Mga Kwento ng Isang Bagong Tatay

Monday, January 10, 2011

JobsTreat (ment)

ano b naman? Kelangan ba talaga magtrabaho? Marami sasagot sa tanong na yan ng... "para kumita", "para mabuhay", "para sa pamilya"... Oo nga naman. Alam ko rin naman yan kaya nga kahit ang hirap hirap magtrabaho bukod pa sa nakakapagod mentally at emotionally eh tuloy pa rin tayo sa pagtatrabaho. Di lang nmn mga nasa Work Force ang maituturing na nagtatrabaho kundi pati mga studyante. Bakit ko nga ba naisipan itong idea na to? Kase merong isang nangyari sa office na talagang naging reason para mapaisip ako ng... empleyado ba tayo o alila?

It all started ng dumating ako sa office. nag log in sa PC, nagtimpla ng coffee habang naghihintay mag full start ung jurassic na PC dahil sa tagal mag boot up. Nagsidatingan ung mga office mates ko. Kwentuhan ng konti bago nag concentrate sa pagpindot sa KB ng PC.

After an hour, yung isa ko officemate (itago na lang naten sa pangalang Jovs) nag break. Tapos yung anak ng Diyos na supervisor namen, lumapit sa seatmate ko. medyo mataas ang boses.

Sup : Anne?! anong nangyari dito sa Queue? baket d pa natatapos yung mga due nung isang araw? Bat nauna pa maubos yung kahapon pati yung mga bagong dating ngayon?!!!

Anne : Di muna namen ginawa as per instruction kc unahin daw namen yung mga pumasok kahapon pati ngayon.

Sup : Sinong tanga ang nag instruct nyan senyo?! ha?!

Anne : C Jovs!

Sup : C Jovs?! Bakit ininstruct nya yun eh kelangan nga naten tapusin yung mga naunang pumasok! Nasan si Jovs? lagpas 30 minutes na yang naka break ah.

Tumawag c sup sa guard...

Sup : Manong, lumabas ba c Jovs?!

Guard : Ma'am hindi po...

Ibinaba ni sup ang telepono ng padabog. Sakto dumating c Jovs...

Sup : Jovs san ka galing over break ka na ah!!!

Jovs : Boss jumebs ako sa CR.

Sup : Bat d ka nagpaalam!

Jovs : Di ko na kase mapigilan...

Sup : naka log in ka tapos kung san san ka pumupunta. You should be productive kpg naka log in ka...

Jovs : Sorry na boss...

Sup : Sino nag instruct sau na unahin tapusin yung mga queue na pumasok kahapon saka ngayon at itengga yung mga mas nauna? This is a big stupidity Jovs... I'm trusting that you would do what is right kase ikaw L3 (level3) hindi yung tuturuan mo ng mga katangahan yang mga kasama mo! In-email ako ng boss ko tinatanong what happened...

Jovs : kase boss mga me problema yung mga yun kaya hindi muna namen ginalaw. Asan yung email. pabasa nga po...

Sup : why will you read my email? it's personal! and it's really humiliating Jov's... (sabay taktak ng mouse ng ilang beses tipong mababasag na sa ilang taktak pa...)

Jovs : boss why are you shouting? I can hear you... No need to shout!

Sup : I'm not shouting, I'm just explaining...

(expalining yun pero rinig na rinig ng buong floor sa lakad ng pag sabon nya ke jovs...) Umiyak si jovs habang pinapagalitan pa rin... Tapos inakap cya ni Sup sa bay sabi sa mahinahong paraan...

Sup : Jovs, we need this sometimes para mas makilala naten ang isa't isa... Mas magiging maganda samahan naten dito kung naiilabas naten yung mga gusto nateng sabuhin sa isa't isa...

Biglang bumawi...

After an hour, nag lunch c jovs. Di na cya bumalik sa station nya. Kinausap nya yung mas mataas kay Sup... Later that day, hayun na-escalate sa HR... hahaha!

Kung sa kin ginawa yun... ewan ko lang...

Professionalism? Take it and forget what happened, if that's what it means sa ganitong situation pero my point is... Lahat tayo kelangan ng trabaho. In order for us to stay in out job is to be happy in what you are doing and to have a happy relationship with your colleagues. It doesn't permit anybody to humiliate somebody kung meron cya nagawang mali kase tao lang tayo na sinuswelduhan ng kompanya naten at meron kamalian sa mga ginagawa. Kahet nga PC minsan me downtime eh tao pa kaya...

Bottomline is... Hindi Diyos ang mga Superiors naten. Lahat tayo kelangan ng trabaho para sa fulfillment naten bilang isang tao.

No comments:

Post a Comment